Aralin 2: Mga Batayan ng Pagsusuri at Hakbangin sa Pagsusuri ng Pelikula at mga Gabay sa Kritisismo

 Batayan ng Pagsusuri ng Pelikula


    1. Paksa/Tema at Isyung Panlipunan
  • Malinaw ba ang tema at isyung nais nitong pangibabawin?
  2. Layon 
  • Mabisa bang nailantad ang pangunahing punto at layunin nito?
  3. Gamit ng Wika
  • Angkop ba ang mga salitang ginamit upang maipahayag ang nais nito mensahe sa target na audience?


Wastong mga Hakbang sa Pagsuri ng Pelikula

1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin.

2. Simulan ang talata sa paglalahad ng paksa at buod ng pelikula. Isulat sa rebyu ang sa tingin mong pinakamahalagang eksena.

3. Sa ikalawang talata isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang nagsiganap. Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter ng aktor/artista  sa pelikula.

4. Sa ikatlong talata ilalahad ang puna tungkol sa direksyon/direktor ng nasabing pelikula.

5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika. Mga eksenang tumatak sa isip dahil sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw at lokasyon.

6. Sa ikalimang talata isusulat ang kaugnayan ng pelikula sa kasalukuyan at aral na mapupulot mula rito.

7. Gumamit ng kahusayang gramatikal at tamang bantas upang mas maging epektibo ang suring-pelikula.

Ano ang mga gabay sa kritisismo?

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutangba ang mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida(protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itongkaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood nakaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na maykaugnayan sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.

4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyangipahayag o ipaalam.

SUNOD NA ARALIN: Pormat ng Suring-Pelikula


Comments