Gawain: Paglinang ng Kabihasaan at Pagtataya

Gawain

Panuto: Suriin ang maikling pelikulang pinamagatang "Dahil kay Ma'am" at ibigay ang mga sumusunod.

1. Pamagat
2. Tauhan
3. Tagpuan
4. Tema/Kaisipan
5. Aral 





Repleksyon

Bilang isang mag-aaral, naging madali ba ang pagsusuri ng pelikula, ano ang naging mahalagang gampanin ng isang tagasuri at sa paanong paraan ito nakatulong bilang isang manunuod? 


Suriin Mo Nga!

Panuto: Gamit ang Graphic Organizer na nasa ibaba, punan ang mga hinihinging impormasyon batay sa pelikulang ipinatakdang-aralin na may pamagat na "Miracle Cell in #7".




Pagtataya:
Panuto: Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng sagutang-papel. 

1. Ang elementong ito ay naghahatid ng mensahe ng pelikula at panghatak nito.
2. Ito ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining  ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasya sa katangian nito.
3. Ang elementong ito ay ang paksa ng pelikula. Ito rin ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
4.Sa pagsusuri ng elementong ito pinagtutuonan ng pansin ang kaangkopan sa paggamit ng lengguwahe ng mga tauhan.
5. Ito ay isang mahalagang bahagi ng aming araw-araw na buhay, nagbibigay-buhay sa mga kwento, nagpapahayag ng kultura, at nagbibigay-inspirasyon sa mga tao.
6. Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula. Sa pagsusuri ng elementong ito pinatutuonan ng pansin ang kahusayan ng anggulo na ipakita ang kaisipang nais palutangin.
7. Ang elementong ito ay tumutukoy sa istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
8.  Ito ay pagbibigay ng magandang pahayag batay  sa buod ng pelikula na nag-iiwan ng aral sa manunuod.
9. Ito ay lugar o tagpuan kung saan nagaganap ang pagkasunod sunod ng mga  pangyayari.
10. Ito ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyangipahayag o ipaalam. 

INTERACTIVE GAME: KUMPLETUHIN MO AKO!


Takdang-Aralin
Panuto: 
Suriin ang pelikulang “Alagwa” ni Ian Lorenos. Isaalang-alang ang mga hakbangin sa pagsusuri ng pelikula. Gawing gabay ang pormat sa ibaba.


Pagsusuring Pelikula

    I. Panimula
        A. Pamagat ng Pelikula
        B. Produksyong Gumawa ng Pelikula
        C. Sumulat ng Pelikula
        D. Direktor ng Pelikula

    II. Gitna
        A. Mga Tauhan 
                1. Sino ang mga tauhan? Ilarawan ang kanilang mga karakter.
                2. Mahusay ba ang kanilang pagsisipag-ganap? Ipaliwanag.
        B. Genre
        C. Tema/Paksa ng Pelikula
                1. Ipaliwanag ang tema at mensaheng nais iparating ng pelikula.
        D. Sinematograpiya
                1. Mahusay ba ang mga shots na ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang mga ito
                    sa pagpapakita ng mga tagpo/eksena?
        E. Tunog/Editing
                1. Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula?
                2. May kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa mga bahagi ng pelikula?
                3. Malinaw at naiintidihan ba ang mga diyalogo ng mga tauhan?
                4. Mahusay ba ang pagkakatagpi-tagpi ng mga bahagi ng pelikula?
        F. Produksyon/Direksyon
                1. Ang mga kasuotan at mga props ba na ginamit sa pelikula ay makatotohanan?
                2. Ang mga lokasyon o tagpuan ba ay akmang-akma sa mga sitwasyong hinihingi
                    sa kuwento?
                3. Naging mahusay ba ang gampanin ng direktor sa kaniyang tungkuling
                  maiparating ang tunay na kaisipan/mensaheng nais ipahayag sa pelikula?
                  Patunayan.


    III. Wakas
        A. Konklusyon/Rekomendasyon
                1. Ilahad ang mga kaisipan at aral na natutuhan sa pelikula. 
                2. Balikan ang naging pagsusuri, ilahad ang iyong kabuuhang pagsusuri at
                    rekomendasyon batay sa iyong sariling paghuhusga.

Proyekto:
    Gumawa ng isang brochure na nagpapakita ng mga pangunahing karapatan na marapat na matamasa ng kabataan, sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan, at mga batas hinggil sa pagpapalawig ng proteksyon para sa kabataan.








Comments

Popular posts from this blog

Aralin 1: Suring-Pelikula

Aralin 2: Mga Batayan ng Pagsusuri at Hakbangin sa Pagsusuri ng Pelikula at mga Gabay sa Kritisismo