Aralin 1: Suring-Pelikula
Magandang buhay klase!
DAPAT ALAM MO!
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa loob ng kahapon batay sa mga ibinigay na katuturan sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.
1. Nakatuon sa personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin masidhing emosyon ng mga aktor upang ilarawan ang iba't ibang mukha ng indibidwal sa lipunan.
2. Paggalaw ng kamera upang maging malinaw, may distansya, pag-iilaw, hugis anino, at kulay.
3. Makatotohanang pag-arte ng mga aktor na nagsisipagganap.
4. Mahusay na pagpili ng kanta upang mabigyang-kahulugan ang emosyon, damdamin, o tono ng pelikula.
5. Paggamit ng angkop na kagamitan, kasuotan, tagpuan, mga palamuti, at panahon.
6. Naglalayong sindakin ang manunuod gamit ang mga kakaibang nilalang.
7. Paggamit ng angkop na awdyo upang makadagdag ng emosyon sa pelikula.
8. Nakabatay sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
9. Orihinal na pagbabalangkas ng nilalaman.
10. Gumagamit ng larawan o pagguhit upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
Matukoy mo kaya?
Panuto: Ibigay ang pamagat ng mga sumusunod na larawan ng pelikula. Matapos, ibigay ang kaisipang nais na ikintal ng mga pelikulang ito.
Mahilig ka bang manuod ng pelikula o mga programa sa telebisyon? Naniniwala ka bang malaki ang nagiging impluwensya ng mga ito sa ating pagkatao? Nahuhulma nito ang ating kaisipan gayundin ang ating pagtingin sa mga napapanahong isyung panlipunan sa paglipas ng mga panahon.
Naging libangan na nating mga Pilipino ang panunuod sa sine. Sa kasalukuyan, hindi na lamang napapanuod ang mga pelikulang ito sa sa sinehan dahil mas napadadali ang pagtugon sa ating mga kihihiligan sa tulong ng mga kagamitang pang-teknolohiya tulad ng selpon at kompyuter.
Iba-iba ang kinahihiligang tema na pinanunuod ng madla ngunit kahit ganito pa man pilit pa rin itong tinatangkilik at pumapatok sa takilya. Maaaring tangkilikin ng mamamayan ang isang pelikula batay sa artistang nagsipagganap o kaya naman ay sa daloy ng istoryang pasok sa panlasa ng isang indibidwal.
Gayundin, habang at pagkatapos nating mapanuod ang isang pelikula ay nakapagbibigay tayo ng papuri at pagpuna sa mga tauhan, linyang binitawan ng mga aktor, at mga eksena o tagpong napanuod.
).png)

